^

Bansa

Pinoy designer tinanghal na 'most connected designer' sa Malaysia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinilala bilang "most connected designer" ang Filipino designer na si Albert Andrada sa katatapos lamang na Asia Fahion Week sa Malaysia.

Ibinibigay ang naturang pagkilala sa isang designer na ang likha ay sumikat sa social media.

Si Andrada ang head designer ng isang royal family sa United Arab Emirates. Disenyo rin ni Andrada ang isinuot na damit ni Paris Hilton sa Grammy Awards noong nakalipas na Pebrero.

Kabilang si Andrada sa delegasyon ng Pilipinas sa naturang fashion event na ginanap noong Oktubre 22. Kasama niya sa delegasyon sina Avel Bacudio, Ronald Alzate, Noel Crisostomo, Jeffrey Rogador at Rosenthal Tee.

Si Bacudio ang tinanghal namang "Most Influential Designer" sa Asia Fashion Week nitong nakalipas na taon.

Bukod sa Pilipinas, lumahok sa naturang fashion event ang mga grupong mula sa China, Korea, Japan, India, Hong Kong, Singapore, Thailand, Indonesia, Malaysia, Taiwan at Vietnam.

ALBERT ANDRADA

ANDRADA

ASIA FAHION WEEK

ASIA FASHION WEEK

AVEL BACUDIO

GRAMMY AWARDS

HONG KONG

JEFFREY ROGADOR

MOST INFLUENTIAL DESIGNER

NOEL CRISOSTOMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with