Nobyong Aleman ni Jennifer Laude ipadedeport
MANILA, Philippines – Maaaring ma-deport ang German fiancé ng pinaslang na transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude dahil sa pananakit sa isang sundalo sa loob ng kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, public affairs chief ng AFP, na susulat siya sa embahada ng Germany sa bansa para sa kaso ni Marc Sueselbeck.
Inakyat kahapon ni Sueselbeck ang bakod ng Camp Aguinaldo sa pagnanais makapasok sa Mutual DefenseBoard - Security Engagement Board facility kung saan nakakulong ang suspek na si US marine Joseph Scott Pemberton.
Nakita ang Aleman na sinasaktan ang isang military guard na humarang sa kanya sa pagpasok.
“Armed Forces Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang Jr. has decided to write the German embassy regarding on the case of Marc Suselbeck who encroached yesterday in the camp and climbed on the security fence with the sister of Jeffrey Laude,” wika ni Cabunoc.
Dagdag niya na dudulog din sila sa Bureau of Immigration upang malamang kung ano ang dapat gawin sa fiancé ni Laude.
Nilabag ng Aleman ang Presidential Decree 1227 o ang batas na “Punishing Unlawful Entry into Any Military Base in the Philippines.”
“This is one of the issues that we have raised and for assaulting our military police who was on duty that time in the holding facility,” pahayag ng tagapagsalita ng AFP.
“The misbehavior of a foreign national in a foreign country is a basis and ground for deportation."
- Latest