PNoy handang makulong
MANILA, Philippines – Handa si Pangulong Aquino na makulong sa pagtatapos ng kanyang termino kung mapapatunayan ng kanyang mga kritiko sa isang unjust judicial system na guilty siya sa mga kaso tulad ng PDAF at DAP.
“If there is a situation where we’re back to an unjust judicial system, then that is a necessary consequence,” sabi ng Pangulo sa open forum sa FOCAP.
Aniya, ang mga banta ay nagsimula ng maupo pa lamang siyang Pangulo ng bansa kung saan ay sari-saring akusasyon bukod sa bantang pwersahan siyang aalisin sa puwesto.
“The threats come with the job. Meron namang physical threats. They’ll remove me before I even end my term or that they will file all of these charges,” dagdag ng Pangulo.
Wika pa ni PNoy, karapatan naman ng kanyang mga kritiko ang maghain ng mga reklamo pero maging siya ay gagamitin niya ang karapatang ito upang balikan ang kanyang mga kritiko.
Muling ipinagtanggol ng chief executive ang pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na lalong nagpalakas sa ekonomiya ng bansa.
- Latest