^

Bansa

Dismissal kay Ong pinagtibay ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang naunang dismissal order nito laban kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong dahil sa kaugnayan nito sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Ayon kay SC spokesperson Atty. Theodore Te, ibinasura ang motion for reconsideration ni Ong na humihingi na baguhin ang naunang September 23 ruling na nagtatanggal sa kanya sa serbisyo.

Sa nasabing desis­yon, walang matatanggap na anumang benepisyo mula sa gobyerno maliban sa kanyang mga accrued leave benefits at hindi na maaring magtrabaho sa gobyerno.

Lumabas sa pag-iim­bestiga na nakatanggap ng malaking halaga si Ong mula kay Napoles kapalit ng pag-absuwelto dito sa kasong kinakaharap kaugnay ng maano­malyang pagbili ng 500 Kevlar Helmets para sa Philippine Marines noong 1998.

Si Ong ang nagsilbing Chairman ng Sandiganbayan 4th division.

AYON

JANET LIM NAPOLES

KEVLAR HELMETS

LUMABAS

ONG

PHILIPPINE MARINES

SANDIGANBAYAN ASSOCIATE JUSTICE GREGORY ONG

SI ONG

SUPREME COURT

THEODORE TE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with