Unang subway system sa Pinas itinutulak ng DOTC
MANILA, Philippines – Isusulong ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang pagkakaroon ng subway system o underground network ng mga tren sa Pilipinas upang mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay DOTC spokesperson Migs Sagcal, iuugnay ang iba’t ibang sentro ng komersiyo sa Makati, Taguig, Maynila at Pasay.
Posible umanong magkaroon ng mga istasyon sa Market Market, St. Luke’s Medical Center Taguig, Ayala Triangle, PNR-Buendia, Buendia-Taft, World Trade Center, at SM Mall of Asia.
Tinatayang aabot sa P135 bilyon ang halaga ng panukalang subway at may haba itong 12 kilometro.
Inaasahan namang magtatayo rin ng common station sa Taft Avenue, kung saan nagtatagpo ang LRT-1 at MRT-3.
Sa kabila ng naturang plano, aminado si Sagcal na hindi kaagad maisasakatuparan ang proyekto. Posible umanong abutin pa ng isang dekada bago umarangkada ang proyekto.
- Latest