^

Bansa

73 Pinoy patay sa TB araw-araw

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 73 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa sakit na tuberculosis o TB. Ayon kay Quezon City Rep. Angelina Tan, isa sa may akda ng Comprehensive Tuberculosis Elimination Plan Act, base sa datos ng gobyerno, nasa 200,000 hanggang 600,000 ang may sakit na TB sa kasalukuyan. Sa naturang datos, 80 porsiyento nito ang may latent TB o iyong tinamaan ng sakit subalit walang sintomas nito. Giit pa ni Tan, kahit na mayroon nang gamot sa TB, mabilis itong nakakahawa sa pamamagitan ng droplets ng isang taong may ganitong sakit kapag ito ay umubo o humat­sing. Sa katunayan, ang isang may sakit na TB ay nakakahawa umano ng sampung tao pa kada taon.

ANGELINA TAN

ARAW

AYON

COMPREHENSIVE TUBERCULOSIS ELIMINATION PLAN ACT

GIIT

PILIPINO

QUEZON CITY REP

SAKIT

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with