Sasakyan ipagbabawal sa walang sariling paradahan
MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang kongresista ang pagbabawal sa pagbili ng sasakyan kapag walang sariling paradahan o garahe. Sa House bill na inihain ni 5098 o ang Proof of Parking space Act na inihain ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, itinatakda nito na hindi papayagang makabili ng sasakyan ang sinuman, indibidwal man o korporasyon kung wala itong paradahan. Iginiit ni Gatchalian na no parking, no car ang patakarang kanyang nais pairalin lalo na sa Metro Manila upang maiwasan na madagdagan pa ang dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko. Itinatakda ng panukala sa mga bibili ng sasakyan na magbigay ng affidavit na mayroon siyang lugar na pagpaparadahan ng binibiling sasakyan. Sa sandaling mapatunayan na nagsisinungaling ang car buyer ay pagmumultahin ito ng P50,000, pagpapawalang saysay sa registration ng biniling sasakyan at hindi na ito papayagan pang makapagparehistro ng sasakyan sa loob ng tatlong taon.
- Latest