^

Bansa

Leyte landing ginunita

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

PALO, Leyte, Philippines – Pinangunahan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino lll ang paggunita sa ika-70 taong anibersaryo ng Leyte Gulf Landing ni Gen. Douglas McArthur kasama ang allied forces pero hindi niya dinalaw ang mga biktima ng Yolanda sa Tacloban City. Tinupad ni Gen. McArthur ang kanyang pangako sa mga Filipino na babalik ito upang palayain ang bansa mula sa mga Hapones kaya sinabi nito noong Oct. 20, 1944 kina Pangulong Sergio Osmeña at Gen. Carlos Romulo na “I have returned”. Maging ang estatwa ni Romulo sa McArthur landing park dito ay hindi nakaligtas sa bagsik ng storm surge dulot ng bagyong Yolanda matapos itong bumagsak at isinaayos na lamang.  Bagama’t ilang kilometro lamang ang layo nito sa Tacloban City kung saan ay marami ang nasawi sa bagyong Yolanda ay hindi nagkaroon ng panahon si Pangulong Aquino upang kamustahin ang mga biktima ng storm surge. Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ang pagpunta ng Pangulo sa Leyte kahapon ng umaga ay para sa paggunita ng Leyte landing at may hiwalay na pagkakataon para sa anibesaryo ng paggunita sa pananalasa ni bagyong Yolanda.

CARLOS ROMULO

HERMINIO COLOMA JR.

LEYTE

LEYTE GULF LANDING

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG SERGIO OSME

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with