^

Bansa

Multicabs ni Trillanes overpriced - UNA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinuwestyon kahapon ng United Nationalist Alliance (UNA) ang umano’y maanomalyang pagbili ni Sen. Antonio Trillanes IV ng mga multicab gamit ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2011 hanggang 2013.

Binatikos ni UNA interim secretary gene­ral JV Bautista ang umano’y overpriced na mga multicab ni Trillanes na ipi­namahagi sa buong bansa gamit ang PDAF nito sa kabila ng mga panawagan ng publiko na tanggalin na ang  P200 million PDAF na inilalaan para sa mga senador.

Ayon kay Bautista,  bumili si Trillanes ng isang fleet ng overpriced multicabs na P300,000 ang halaga bawat isa.

“Sabi ni Sen. Trillanes sa Senado, overpriced daw ang P200,000 na presyo ng multicab. Eh, yung mga binili ni Trillanes mismo na multicab mula sa kanyang PDAF mas malulula ka sa presyo, at tumataginting na P300,000 per unit. Ano yun fully-loaded?” sabi pa ni Bautista sa isang pahayag.

Ayon pa kay Bautista, ang sticker price para sa isang 4X4 four-wheel drive, brand new multicab ay P160,000. Ang mga multicab naman ni Trillanes  ay overpriced nang halos P140,000 bawat unit.

ANO

ANTONIO TRILLANES

AYON

BAUTISTA

BINATIKOS

KINUWESTYON

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

TRILLANES

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with