^

Bansa

20% discount ng senior citizens dapat ibigay kahit may privilege card - DTI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat pa ring ibigay ang 20% diskuwento ng mga senior citizen kahit na may “privilege o membership card” na nagbibigay sa kanya ng hiwalay na diskuwento. Ito ang opinyon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kasong isinampa ng abogadong si Romulo Macalintal laban sa isang establisimyento noong nakaraang Hunyo. Inireklamo ni Macalintal, isang senior citizen, ang hindi pagbibigay sa kanya ng 20% senior citizen discount dahil nakuha na umano nito ang 50% diskuwento sa kanyang “privilege card”.

Sa argumento ni Macalintal, dapat hiwalay na pribilehiyo ang kanyang senior citizen card dahil ang kanyang privilege card ay binabayaran niya ng P8,800 kada taon.

Sinabi ni DTI Consumer and Trade Policy Division officer-in-charge Gerald Calderon, hindi lamang pinapayagan ang “double discount” kung nag-aalok ng “promotion” ang isang establisimyento. Sa kaso ni Macalintal, hindi umano maikukunsidera na “promo” ang nakuha nitong 50% discount buhat sa privilege card dahil binabayaran ito ng kustomer.

Nagkaayos na sa kaso ni Macalintal ngunit kasama rito ang paghingi ng opinyon sa DTI.

CONSUMER AND TRADE POLICY DIVISION

DAPAT

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GERALD CALDERON

HUNYO

INIREKLAMO

MACALINTAL

ROMULO MACALINTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with