CBCP umalma sa paggamit ng ‘Acts of God’ sa kalamidad
MANILA, Philippines - Iginiit ng Simbahang Katoliko na hindi kailanman ninais ng Panginoong Hesus ang mga nagaganap na kalamidad o trahedya kaya hindi dapat gamitin ang katagang “Acts of God” na mistulang isinisisi pa ang mga kaganapan sa Diyos.
Ito ang apela ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa publiko na alisin na ang maling paniniwala at maling paggamit sa mga salitang ‘acts of God.’
Kapansin-pansin umano na madalas na makikita ang mga salitang ‘acts of God’ kung panahon ng catastrophe o kalamidad.
Kabilang na rito ang paggamit nito sa mga kontrata, tulad ng mga insurance contracts at maging sa law at jurisprudence, kung saan lumilitaw aniya na ang Panginoon pa ang tagapaghatid ng trahedya at paghihirap ng mga tao.
Iginiit ng arsobispo na kailanman ay hindi hahangarin ng Panginoon na may mangyaring masama sa kanyang mga anak lalo na sa mga panahon na sanhi ng natural calamities, krisis at iba pang trahedya.
“A landslide, for example, that not only impedes travel but can bring about the tragic loss of life is usually referred to in commercial and legal documents as an ‘act of God’,” ani Villegas.
“Jesus is the ultimate revealer of the Father, and he tells us about a God so passionately in love with us all that he wishes none to be lost and invites all to the knowledge of the truth!” aniya pa.
- Latest