^

Bansa

UNA: De Lima ‘wag atribida sa Binay probe

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinawag na “atribida” ng United Nationalist Alliance (UNA) si Justice Secretary Leila de Lima dahil umano sa paggamit ng pangalan ni Pangulong Aquino sa pag-iimbestiga kay Vice President Jejomar Binay at pamilya nito.

Ayon kay UNA interim secretary general Atty. JV Bautista, nasa ilalim si Sec. de Lima ng ehekutibong sangay at maituturing na “superior” si VP Binay kaya wala umano itong power o authority na mag-utos ng imbestigasyon laban sa kanyang superior, gayundin na hindi niya puwedeng iutos na imbestigahan ang Presidente.

“That power belongs exclusively to the Ombudsman. De Lima should read her Administrative Code and the Ombudsman Law to understand this very basic rule on exclusive jurisdiction,” sabi ni Bautista.

Kinuwestyon din nito ang motu propio na im­bestigasyon ni de Lima na wala namang instruction mula sa Pangulo o Ombudsman. Wala an­yang pormal na reklamo sa kanyang tanggapan kaya walang dahilan pa maglunsad ito ng criminal investigation.

Ayon naman kay UNA interim president Toby Tiangco, dapat itigil ni de Lima ang paggamit ng pa­nga­lan ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Tiangco, inilalagay ni de Lima sa alanganin ang paggamit sa pangalan ng Pangulo kung saan ay iisipin ng taumbayan na ito at ang Liberal Party ang nag-uutos sa imbestigasyon kay VP Binay at iba pang mga kontrobersiya tulad ng Napoles scam at ang  Inekon, ang supplier ng Metro Rail Transit (MRT) na ibinulgar ng dating  Czech Ambassador.

“The public cannot help but conclude that it was the President who ordered a stop in the investigation of the $30 million extort try involving MRT officials du­ring the watch of Mar Roxas as Transportation Secretary, or the involvement of Liberal Party members in the PDAF scam,” wika ni Tiangco.

Ikinonekta ni Tiangco ang hakbang sa nais umanong pagtakbo sa Senado sa 2016 ni de Lima.

“She should stop name-dropping the President to cover up for her unlawful actions against the Vice President. Huwag nya nang idamay si Presidente at maraming pinoproblema yun,” giit ni Tiangco.

ADMINISTRATIVE CODE AND THE OMBUDSMAN LAW

AYON

BAUTISTA

BINAY

CZECH AMBASSADOR

DE LIMA

LIBERAL PARTY

PANGULONG AQUINO

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with