UNA kay Trillanes: Dummy ka pa ba?
MANILA, Philippines - Binira kahapon ng United Nationalist Alliance (UNA) ang umano’y pagpapel ni Senador Antonio Trillanes IV bilang dummy ng negosyo ng kanyang pamilya at kung bakit hindi niya isinama sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ang kanyang mga mamahaling
sasakyan noong isa pa lang siyang junior officer ng Navy?
Ginawa ni UNA Interim Secretary General JV Bautista kaugnay ng pagtatapat ni Trillanes na nasa ilalim ng account nito ang mga negosyo at transaksyon ng ina nito bilang proteksyon laban sa default kung sakaling habulin ng mga banko ang mga utang ng ina ng senador.
Pinuna ni Bautista na hindi naging matapat si Trillanes hinggil sa mga negosyo ng pamilya nito o kung bakit nagsilbi itong dummy at ipinagamit ang sariling pangalan sa lahat ng transaksyon sa negosyo.
“Hindi kombenyenteng dahilan na umakto siyang dummy. Hindi pa rin niya isinama sa kanyang SALN ang kanyang mga sasakyan, negosyo at ari-arian na paglabag sa batas,” diin ni Bautista.
Hinihikayat ni Bautista si Trillanes na ipaliwanag kung ang negosyo ng pamilya nito ay aktibo pa ring supplier ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inirereport anya ng matatagal nang mga supplier ng AFP na nakuha ng pamilya ni Trillanes ang multi-milyong kontrata sa pagsusuplay ng mga item at equipment sa military mula noong late 2000s at maaaring aktibo pa rin itong supplier ng military hanggang sa kasaluluyan.
“Gusto ko lang tanungin ang butihin at moral crusading senator: Dummy pa rin ba siya o hindi na?” tanong ni Bautista.
- Latest