^

Bansa

US Marine sinampahan na ng murder sa transgender slay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinampahan na kahapon ng kasong murder ang isang US Marine na akusado sa pagpatay sa isang Pinoy transgender sa isang lodging house sa Ologapo City noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Sr. Supt. Pedrito delos Reyes, pinuno ng Special Investigating Task Group, isinampa ang kaso laban sa suspek na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton sa Olongapo City Prosecutors Office.

Si Pemberton, ng US Marine Corps 2nd Battalion 9th Marines ay positibong itinuro ng testigo na sangkot sa pagpatay sa 26-anyos na transgender na si Jeffrey “Jennifer “ Laude sa Celzone Lodge.

Ang bangkay ni Laude na nakasubsob pa ang mukha sa inidoro at may mga pasa sa mukha at iba pang bahagi ng katawan, may bakas ng sakal sa leeg ay nadiskubreng hubo’t hubad sa Room 1 ng nasabing lodging house noong Oktubre 12 ng madaling araw.

Una rito, ayon kay Olongapo City Rolen Paulino inamin ni Pemberton ang krimen sa pagsasabing “I did something wrong”.

Si Pemberton ay nasa kustodiya ng Commanding Officer nito na sa loob ng nakadaong na USS Peleliu sa Subic Bay, Zambales na kabilang sa mga warship ng Estados Unidos na nakilahok sa katatapos na PHIBLEX 15 Phl-US joint military exercises.

CELZONE LODGE

COMMANDING OFFICER

ESTADOS UNIDOS

MARINE CORPS

MARINE PRIVATE FIRST CLASS JOSEPH SCOTT PEMBERTON

OLOGAPO CITY

OLONGAPO CITY PROSECUTORS OFFICE

OLONGAPO CITY ROLEN PAULINO

SI PEMBERTON

SPECIAL INVESTIGATING TASK GROUP

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with