^

Bansa

Writ of nat’l heritage vs ANC giit

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe ang Korte Suprema na mag-isyu ng special writ of national heri­tage laban sa developer ng Army Navy Club (ANC) upang mapreserba ang nasabing historical site at hindi ma-convert sa casino.

Ayon kay Batocabe, senior member ng House Committee on Tourism, kailangang protektahan ang mga cultural landmark sa bansa mula sa umano’y mga unscrupulous developer.

Tiwala naman ang kongresista na agad kikilos ang Korte Suprema sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Writ of Kalikasan.

Ang pahayag ni Batocabe ay base sa ulat na ang ANC ay magiging isang pasugalan na dahilan kaya gumawa ng legal na hakbang ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) laban sa developer na sisira rito.

Nanindigan naman si Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na manatili ang Cease and Desist Order laban sa Oceanville maliban na lamang kung manga­ngako ito na muling ibabalik sa orihinal na istraktura ang ANC. 

AKO BICOL

ARMY NAVY CLUB

BATOCABE

CEASE AND DESIST ORDER

HOUSE COMMITTEE

KABATAAN PARTYLIST REP

KORTE SUPREMA

NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES

RODEL BATOCABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with