^

Bansa

Hepe ng AFP Medical Center, sinibak!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinibak na kahapon sa puwesto ang Commander ng AFP Medical Center na kabilang sa apat na opisyal na masusing iniimbestigahan kaugnay ng umano’y anomalya sa pagbili ng P80 M halaga ng medical supplies.

Ayon kay AFP spokesman Lt. Col. Harold Cabunoc, ipinasibak ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. si AFP Medical Center Commander Brig. Gen. Normando Sta .Ana dahilan sa irregularidad.

Nabatid na hindi dumaan sa normal na prose­so ng bidding ang pagbili ng mga gamot at kagamitan na nagkakahalaga ng P80-M para sa AFP Medical Center sa ilalim ng pamumuno ni Sta. Ana.

Pansamantalang ipinalit kay Sta. Ana si Col. Benedicto Jovellanos, deputy chief ng AFPMC.

Bukod kay Sta. Ana, iniimbestigahan din ang tatlo pang mga opisyal na sina Lt. Colonel Ritchie Capulong, Special Disbursing Officer; Major Neil Bugarin, Chief of Management and Fiscal Office at Colonel Rogelio del Rosario, acting Assistant Chief of Staff for Logistics.

Sa kabila nito, sinabi ni Cabunoc na nananatiling mga inosente ang nasabing mga opisyal hangga’t hindi napapatunayan ang alegasyon laban sa mga ito.

Nabatid na isang Renato Villafuerte ang nagsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kina Sta. Ana.

Inihayag pa ni Cabunoc na ang imbestigasyon ay iniutos ni Catapang noon pang Setyembre 5 matapos sumingaw ang nasabing irregularidad.

Nahaharap ang mga akusadong opisyal sa paglabag sa Republic Act 9184 o ang Procurement Law sa hindi pagdaan sa lehitimong proseso ng pa­nuntunan sa pagbili ng medi­cal supplies.

ASSISTANT CHIEF OF STAFF

BENEDICTO JOVELLANOS

CABUNOC

CHIEF OF MANAGEMENT AND FISCAL OFFICE

CHIEF OF STAFF GEN

COLONEL RITCHIE CAPULONG

COLONEL ROGELIO

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with