4 oil firms humabol sa bigtime rollback
MANILA, Philippines – Humabol sa “bigtime rollback” ang apat pang kumpanya ng langis nitong madaling araw ng Linggo na ikinatuwa ng maraming motorista.
Unang naiulat ang rolbak na ipinatupad ng Petron Corporation ngunit nakisabay na rin ang Pilipinas Shell na nagtapyas ng presyo ng kanilang produkto dakong alas-12:01 Linggo ng madaling araw.
Nasa P1.10 kada litro ang ibinawas ng Shell sa premium at unleaded gasoline; P1.55 kada litro sa diesel at P1.60 kada litro sa kerosene.
Nagbaba rin ng presyo ang independent player na PTT ng P1.20 kada litro sa gasolina at P1.55 sa diesel.
Ang Seaoil naman, P1.20 kada litro ang ibinaba sa gasolina; PP1.65 sa diesel at P1.60 sa kerosene.
Una namang nagdeklara ng P1 kada litrong rolbak sa gasolina at biodiesel ang kumpanyang Flying V ngunit dinagdagan rin ang tapyas presyo ng P.40 kada litro sa gasolina at P.60 sa biodiesel. Dahil dito, umakyat sa kabuuang P1.40 kada litro ang itinapyas nila sa presyo ng gasolina at P1.60 sa diesel.
- Latest