Mayon nagparamdam uli
MANILA, Philippines - Matapos manahimik ng ilang araw, muling nag-alburoto ang bulkang Mayon sa Albay, Bicol.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ang Mayon ng 5 rockfall events sa nakalipas na 24 oras at bahagyang pagluluwa ng puting usok.
Naglabas din ito ng asupre na may 387 tonelada pero hindi nakita ang crater glow sa nakalipas na magdamag. Patuloy naman ang ground deformation sa bulkan na bahagi pa rin ng pag-iipon ng lakas para sa inaasahang pagsabog.
Nananatiling nasa alert level 3 ang bulkan at patuloy na pinagbabawalan ang sinuman na pumasok sa 6 kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan at 7 kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa may timog silangang bahagi ng bulkan dahil sa pagbagsak ng mga bato, landslides at sa inaasahang pagsabog ng naturang bulkan.
Hindi naman kinumpirma ng Phivolcs na ang muling pag-alburoto ng Mayon ay epekto ng naganap na “blood moon” nitong Miyerkoles dahil ang pagtahimik at muling pag-aalburoto umano ng bulkan ay bahagi lamang ng kundisyon ng inaasahang pagsabog nito.
- Latest