^

Bansa

Opisyal naalarma Nene nireyp, ginilitan ng 2 adik sa Palawan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

PUERTO PRINCESA CITY, Philippines - Naalarma ang isang konsehal sa lungsod na maapektuhan ang kanilang turismo matapos ang karumal-dumal na pagpaslang at panggagahasa sa isang 10-anyos na bata ng mga drug addict sa lungsod na ito.

Hinamon din ni City Councilor Vicky de Guzman ang anti-drug council sa pamumuno ni Vice-Mayor Luis Marcaida at buong miyembro ng kanyang anti-drug task force na Bantay-Banat na sumailalim sila sa drug test.

Ayon kay City Councilor de Guzman, hinalay at pinatay ng 2 adik ang grade 5 pupil na si Samantha Louise Borce ng Bgy. Tagburos lungsod na ito noong Setyembre 17.

Matapos halayin ay ginilitan pa ng leeg ang biktima ng mga suspek na sina Marlon Morposa Tesorio alyas “Guy-Guy” at Samuel Santos Gaucha alyas “Dungol”. 

“To begin with, I am challenging Vice Mayor Marcaida and all members of his “Bantay Banat Unit” to submit to a drugs test –or best join us, City Councilors, who will vo­luntarily subject to that test to ensure that as we fight face-to-face against illegal drugs --we are all drugs free,” giit pa ni Councilor de Guzman.

Wika pa ng konsehala, nababahala ang mama­yan ng Puerto Princesa dahil sa tumataas na drug-rela­ted crime sa kanilang lungsod na ipinagmamalaki pa namang no. 1 na tourist destination ng Pilipinas.

Aniya, sa panahon ni dating Mayor Edward Hagedorn ay hindi nangyari ang mga ganitong krimen dahil sa epektibong pamamahala at paglaban sa illegal drugs ng city government sa pamumuno ni Douglas Hagedorn na­ ngayon ay kongresista na.

Dagdag pa nito, dapat seryosohin ni Mayor Lucilo Bayron at Gov. Pepito Alvarez ang illegal drug trade sa Palawan matapos mahuli rin ng mga awtoridad ang sinasabing top drug trader na si alyas Boyet.

Siniguro naman ni de Guzman na hindi siya titigil hanggang sa tuluyang makamit ng Puerto Prin­cesa City ang tunay na “Drug-Free City” upang hindi matakot ang mga turista na dumayo sa kanilang lungsod.

BANTAY BANAT UNIT

CITY COUNCILOR

CITY COUNCILOR VICKY

CITY COUNCILORS

DOUGLAS HAGEDORN

DRUG

DRUG-FREE CITY

GUZMAN

MARLON MORPOSA TESORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with