^

Bansa

Disbarment vs Brillantes

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan ng disbarment complaint si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr. sa Korte Suprema ni Aliaga, Nueva Ecija Mayor Reynaldo Ordanes dahil umano sa pag­labag sa lawyer’s oath.

Ayon kay Ordanes, kumandidato siya noong May 2013 elections at sa canvassing ay lumabas na nanalo ang kanyang nakalaban na si Elizabeth Vargas.

Naghain ng petition for recounts si Ordanes dahil sa kaduda-dudang resulta sa 13 presinto at noong nakaraang Mayo 28, lumabas na nakakuha siya ng 11,416 boto kontra sa 11,405 boto ni Vargas.

Pinagbigyan ng korte ang motion for execution pending appeal ni Ordanes at nagsampa naman ng notice of appeal si Vargas na nai-raffle sa Comelec 2nd Division na pinamumunuan ni Commissioner Elias Yusoph.

Hulyo 1 nang naghain ng petisyon si Vargas na hinihiling na mapawalang bisa ang utos ng Korte na pumabor kay Ordanes at humingi rin ito ng temporary restraining order. Hindi naglabas ng TRO ang 2nd division at nag-official leave si Yusoph mula July 14 hanggang 29 kasunod ng pagbuo ni Brillantes ng special 2nd division kung saan siya ang umaktong presiding chair.

Agad nagpalabas si Brillantes ng 60 day TRO pabor kay Vargas nang hindi anya kinunsulta ang mga miyembro ng dibis­yon.

Noong September 15, ibinasura ng 2nd division ang petisyon ni Vargas na naghain ng motion for reconsideration noong September 23. Kinabukasan ay nagpalabas si Brillantes ng status quo ante order pabor muli kay Vargas nang walang konsultasyon sa en banc at ito ay laban sa 2nd division.

Sabi ni Ordanes, alam sa kanilang bayan na si Brillantes ay abogado ng pamilya Vargas bago ito naupo bilang pinuno ng Comelec.

Anya ang dalawang kautusan ni Brillantes ay malinaw na pagpabor kay Vargas kaya’t bukod sa complaint of disbarment ay naghain din sila ng reklamo sa Ombudsman ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa kasalukuyan kapwa nagsisilbing mayor sina Ordanes at Vargas sa Aliaga na lumilikha ng kalituhan sa mga lokal na kawani.

vuukle comment

ALIAGA

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

COMMISSIONER ELIAS YUSOPH

ELIZABETH VARGAS

ORDANES

VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with