^

Bansa

Derek, Angelica sinampahan ng concubinage

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa sinampahan ng kasong concubinage sa Parañaque City Prosecutor’s Office ang actor na si Derek Arthur P. Ramsay at ang dating kinasama nitong actress na si Angelica Panganiban ng misis nitong si Mary Ramsay  kahapon sa Parañaque City Prose­cutor’s Office.

Kasama ni Mary ang kanyang mga abogadong sina Atty. Argee Guevarra at Atty. Isaiah O. Asuncion III nang magtungo ito sa Parañaque City Prosecutor’s Office upang isampa  ang naturang kaso laban kina Derek at Panganiban.

Nakasaad sa reklamo ni Mary na may anim na taon ding naging mag-live-in partner sina Derek at Panganiban.

Base sa nakasaad sa Article 334 ng Revised Penal Code, na ang isang lalaking may asawa na mayroong kinakasamang ibang babae sa iisang bahay at nagsisiping ang mga ito ay  maaaring sampahan ng concubinage o pangangalunya, na isang labag sa batas.

Nakasaad pa sa reklamo ni Mary, na ang pagsasama nina Derek at Panganiban ay public knowledge, ibig sabihin ay alam ng publiko ang kanilang relasyon matapos umano itong mailantad ng taong 2011 kung kaya’t nalaman din aniya niya ito.

Sinabi rin sa reklamo ni Mary, na tatlong taon siyang nanahimik hinggil sa relasyon ng dalawa alang-alang lamang sa kapakanan ng kanilang anak.

Kahit pa aniya hiwalay na sina Derek at Panganiban ay nagsampa pa rin ng kaso ang misis ng actor laban sa kanila upang maipaglaban nito ang kanyang karapatan bilang legal na asawa.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ARGEE GUEVARRA

CITY PROSE

CITY PROSECUTOR

DEREK

DEREK ARTHUR P

ISAIAH O

MARY RAMSAY

PANGANIBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with