Bagyong Ompong pumasok na sa PAR
MANILA, Philippines – Kung super init ng panahon kahapon, asahan naman ang pagkalma ng panahon ngayong Miyerkoles dahil sa pumasok na bagong bagyong Ompong sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Alas-5 ng hapon kahapon, si Ompong ay namataan ng Pagasa sa layong 1,400 km silangan ng Tugueguarao City taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 160 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 195 kilometro bawat oras.
Si Ompong ay kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Bunga nito, ngayong araw si Ompong ay magdadala ng ulan na umaabot sa 7.5 hanggang 30 milimeter ng tubig kada oras.
Ayon sa Pagasa, bagamat si Ompong ay wala pang gaanong direktahang epekto sa ating bansa, inaasahan na ang malalaking alon sa mga karagatan ng Northern Luzon at eastern seaboard ng Central at Southern Luzon dahil naman sa epekto ng northeasterly winds.
Pinagbabawalan ng Pagasa na maglayag ang maliliit na bangka sa nabanggit na mga lugar.
- Latest