Tau Gamma Phi lalaban vs korapsyon, krimen
MANILA, Philippines – Pinakilos ng Tau Gamma Phi (TGP) fraternity, isa sa pinakamalaking fraternities sa bansa ang kanilang miyembro na umaabot sa milyon ang bilang na makipagtulungan sa gobyerno para labanan ang korapsyon at kriminalidad.
Ang grupo ay magtitipun-tipon sa 46th Founding Anniversary na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum kung saan aabot sa 12,000 TGP chapter leaders at key members sa halos lahat ng sulok ng bansa ang nagkaisa para tuparin ang naipasang resolusyon para sa pagtutulungan ng lahat ng miyembro sa pagtataguyod sa adbokasiya at kampanya kontra graft and corruption, lawlessness at environmental destruction.
“We are against corruption, violence and environmental desecration which are now the most pressing issues and concerns confronting the country. TGP is stepping up to the plate to help the government stem the upsurge of graft in the barangay and even the top echelons of power,” pahayag ni Edgar Lopez, Tau Gamma national leader.
Ang tema ng selebrasyon ay “Fulfilling our Historical Mission in the Midst of Challenges” na halaw sa adbokasiya ng Triskelion.
“Crime and corruption starts from the most basic unit of our society which is the barangay. TGP with more than 80 percent penetration of barangays nationwide is out to make a difference by helping government’s ‘Daang Matuwid’ thrust by nipping lawlessness in the bud by working our way up to both the private sector and government,” dagdag ni Lopez.
- Latest