^

Bansa

MRT ‘gatasan’ ng LP

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging paborito umanong gatasan ng Liberal Party ang MRT Railway system noong nanunungkulan pa bilang kalihim ng Department of Transportation and Communication si DILG Sec. Mar Roxas noong 2011.

Ito ang naging paratang kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco na nagsabi pa na, noong si Roxas pa ang kalihim ng DOTC, kinansela nito ang halos lahat ng transport-related contracts ng gobyerno para pagbigyan ang paboritong supplier ng administrasyon.

Ayon kay Tiangco, hindi kailanman napasama sa priority list ng DOTC ang MRT na trinato lang gatasan o ‘cash cow’ ng ilang miyembro ng Liberal Party.

“Nalulugod ako na lumantad si Mr. Robert Sobrepena para ibunyag ang totoong kuwento sa likod ng mga katiwalian sa MRT 3,” sabi pa ni Tiangco.

Tagapangulo ng Fil-Estate si Sobrepena na nagsabi sa mga senador sa isang pagdinig sa Senado na ang pagwawakas sa Sumitomo maintenance contract ang dahilan sa araw-araw na dusa ng mga pasahero.

Ibinunyag noon ni Czech Ambassador Josef Rychtar na tinangka umano ng noon ay si MRT General Manager Al Vitangcol na kikilan ng $30 million ang Inekon Group para makuha ng kumpanya ang kontrata sa pagsusuplay ng mga tren.

Ayon pa kay Rychtar, si Wilson de Vera na miyembro ng LP at tumakbong alkalde sa Calasiao, Panga­sinan noong 2013 ang humingi ng $30 milyon para kay Vitangcol.  Si de Vera rin umano ang nasa likod ng MRT bidding.

AYON

CZECH AMBASSADOR JOSEF RYCHTAR

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

GENERAL MANAGER AL VITANGCOL

INEKON GROUP

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MR. ROBERT SOBREPENA

TIANGCO

TOBY TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with