^

Bansa

Text tax tinutulan ng CBCP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutulan ng Catholic Bishops Conference  of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs ang nilulutong tax sa text ng gobyerno.

Ayon kay Rev Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng komisyon, sa halip na isulong ang pagbubuwis sa text messaging, mas dapat munang tingnan ng pamahalaan ang kanilang pagiging inefficiency hinggil sa pangongolekta ng iba’t ibang buwis at kung saan napupunta ang koleksyon.

Pahayag ng pari, mas kinakailangan ipakita ng pamahalaan sa mamamayan na hindi sa iilang bulsa napupunta ang mga buwis na nakokolekta at hindi ang karagdagang pahirap na ito (tax sa text) sa mga maralita. Indikasyon lamang umano ito na hindi epektibo ang pamahalaan samantalang marami na umano ang buwis na pinagkukunan na kinabibilangan ng excise tax at road user tax.

Dapat din munang ipaliwanag ng gobyerno kung saan napupunta ang mga buwis lalo pa’t may isyu ng DAP at PDAF na kinasasangkutan ng mga mambabatas at iba pang government officials.

 

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE

DAPAT

INDIKASYON

JEROME SECILLANO

PAHAYAG

PHILIPPINES-EPISCOPAL COMMISSION

PUBLIC AFFAIRS

REV FR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with