^

Bansa

Libu-libong turista dagsa sa Mayon

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines  --Nasa 44 evacuation centers at ligtas na sa panganib ang mga nakatira sa paligid ng Mayon Vocano ngunit patuloy na tampok sa balita ang pag-aalboroto ng bulkan at lumilitaw itong pinakamala­king 2014 ‘touristic event’ ng bansa.

Ipinaliwanag ng Phivolcs na nalalapit na ang pagsabog o ‘Vulcanian-Stromolian eruption ng Mayon dahil sa malaking ‘lava dome’ na naipon na sa bunganga nito. At habang naghihintay ang pagsabog, dumadagsa naman ang libu-libong mga turista sa lalawigan.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, hindi nila isinusulong ang ‘disaster tourism’ ngunit habang naghihintay ang pagsabog ng bulkan, baha naman ang dagsa mga turista sa Albay.

Pinuna ni Salceda na malimit ay nakakaharang ang mga turista sa kanilang operasyon, “ngunit hindi naman sila pwedeng hadlangan na saksihan ang pagsabog ng pinakamagandang bulkan sa mundo na hindi naman araw-araw na pangyayari.” Nagagandahan silang panuorin ang dumadaloy na lava at ibang nagbabagang material sa timog-silangang bahagi ng Mayon.

Patuloy ang dagsa ng mga turista dito, sakay ng bus at eroplano na lumalapag sa Legazpi Domestic Airport na 18 kilometro at ligtas naman sa pagsabog ng bulkan.

ALBAY

ALBAY GOV

AYON

IPINALIWANAG

JOEY SALCEDA

LEGAZPI DOMESTIC AIRPORT

MAYON

MAYON VOCANO

NAGAGANDAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with