^

Bansa

Konsehal sa HCSP prexy: ‘Hindi kami gahaman!’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena ni Manila 3rd District Councilor Bernardito Ang ang pahayag ng pangulo ng  Historical Conservation Society of the Philippine (HCSP) na pinayagan umanong gibain ang Admiral hotel dahil na rin sa pagiging gahaman ng Manila City hall at ng  developer nito.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Ang na tila hindi umano alam ni HCSP President Ivan Henares na walang historical significance ang Admiral hotel batay na rin sa pahayag ng National Historical Commission.

Bukod dito, nalalagay din sa peligro ang buhay ng publiko kung saan ayon sa pag-aaral ng mga eksperto hindi na matibay ang   istruktura ng gusali.

Nakakalungkot lamang na hindi man lamang naglaan ng panahon ang HCSP upang tanungin ang NHC hinggil sa katayuan ng  nasabing hotel samantalang may access  naman ang mga ito upang alamin lalo pa’t may kinalaman sa mga historical structures ang pinag-uusapan.

Aniya, tila isinisisi rin sa kasalukuyang  administrasyon ang mga iba’t ibang isyu kabilang na ang Torre De Manila,  pagtatanggal ng Anda Circle at paggiba ng  lumang Meralco Building. Nais lamang ng  city government na ayusin ang lungsod  at gibain na ang mga delikadong gusali ayon na rin sa isinagawang inspeksiyon ng mga eksperto.

vuukle comment

ANDA CIRCLE

ANIYA

DISTRICT COUNCILOR BERNARDITO ANG

HISTORICAL CONSERVATION SOCIETY OF THE PHILIPPINE

MANILA CITY

MERALCO BUILDING

NATIONAL HISTORICAL COMMISSION

PRESIDENT IVAN HENARES

TORRE DE MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with