^

Bansa

Abogado handang magbitiw 'pag mali ang SALN ni Binay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanindigan ang kampo ni Bise-Presidente Jejomar Binay na tama ang nakasaad sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) upang ipakitang wala siyang itinatagong yaman.

Kumpiyansa ang kampo ni Binay na nagsasabi sila ng totoo kaya naman itinaya na rin ng kanyang abogado ang trabaho upang ipakitang hindi sila nagsisinungaling.

Sinabi ng abogadong si Princess Turgano na handa siyang magbitiw oras na mapatunayang peke ang nilalamang ng SALN ng bise-presidente.

Kaugnay na balita: Bidding sa Makati projects 'moro moro'

"It's to show everyone of how much I believe in the SALN of the Vice President," wika ni Turgano sa isang panayam sa telebisyon ngayong Lunes.

"Naniniwala ako na hindi nagsisinungaling ang ating Bise Pangulo at na ang kanyang SALN ay totoo."

Sa muling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano'y overpriced na Makati City Hall II parking building ay isiniwalat pa ng complainant na si dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado na may 8,877-square meter na lupa si Binay malapit sa Fort Bonifacio.

Kaugnay na balita: Pamilyang Binay sumuko na - Trillanes

Dagdag ni Mercado na dating kaalyado ni Binay na hindi ito nakasaad sa SALN ng bise-presidente dahil nakapangalan ito sa isang negosyanteng si Erlinda Chong.

"Isa ho sila sa mga nagiging front ni Vice President Jejomar Binay sa mga ganitong property na dapat mailihis o maitago sa kanilang pangalan," salaysay ni Mercado nitong nakaraang linggo.

Sa kabila ng mga akusasyon ay iginiit ni Turgano na walang labis at kulang sa mga nakasaad sa SALN ni Binay.

Kaugnay na balita: Binay handa sa lifestyle check

"We stand by our SALN and these are the only properties of the Vice President.”

Ipinaliwanag din ng abogado ang paglago ng net worth ni Binay sa loob ng 25 taon kung saan lumobo ito ng 57 milyon.

"By showing the SALN, we were able to show that if the Vice President did increased his net worth, it's because of hardwork," paliwanag ni Turgano.

BASAHIN: 2016 presidential rating ni Binay bumaba

Nahaharap si Binay at ang kanyang anak na si Makati City Mayor Erwin “Junjun” Binay dahil sa pambubulsa umano sa kinita ng overpriced na Makati parking building.

Inaakusahan pa ang bise-presidente na kumikita ng 13% sa bawat proyekto ng lungsod ng Makati noong panahon niya.

BINAY

BISE PANGULO

KAUGNAY

MAKATI

PAMILYANG BINAY

SALN

TURGANO

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with