Gripong tanso na may lead pinatatanggal ng Ecowaste
MANILA, Philippines - Hiniling ng Ecowaste Coalition sa pamahalaan na tiyakin na tanging ang ligtas sa lead na gripo ang ibinibenta sa merkado para mabawasan ang potensyal na pagkalantad sa nasabing kemikal ng mga iniinom na tubig.
Aksyon ito ng grupo, matapos makitaan ng mataas na lead ang ibinibentang tansong gripo sa merkado.
Sa chemical screening na ginawa gamit ang X-Ray Fluorescence (XRF) device, lumitaw na ang limang tansong gripo na binili mula sa plumbing supplies stores sa Soler St., Sta. Cruz, Manila sa halagang P120-P300 bawat isa ay nagtataglay ng lead content na aabot sa 14,500 parts per million (ppm) hanggang 84,700 ppm.
Nitong December 2013 ay ipinagbawal ang paggamit ng lead sa paggawa ng water pipes, cosmetics, fuel additives, packaging ng pagkain at inumin, gamit sa paaralan, laruan at pintura na lampas sa 90 ppm threshold limit.
Sinasabing ang mga batang nalantad sa lead galing sa kanilang ininom na tubig, maging ang ipinagbubuntis ay mas mataas ang magiging panganib sa kanilang kalusugan.
- Latest