Purisima hinimok ‘wag mag-resign
MANILA, Philippines – Hinimok ng Samahang Industriya ng Agrikultura si PNP chief Alan Purisima na huwag itong magbibitiw sa puwesto sa gitna ng mga reklamo at alegasyon sa kanya.
Ayon kay SIA president Rosendo So, malaki ang kanyang tiwala sa liderato ni Gen. Purisima at naniniwala siyang malilinis nito ang kanyang pangalan sa gitna ng mga alegasyon dito.
“We believe that Gen. Alan Purisima is not guilty. He can explain everthing before a proper forum,” wika ni So na ang kanyang pamilya ay minsan naging biktima ng kidnapping at natulungan ni Purisima bilang pinuno ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) Strike Force mula 2003-2005.
“Many people want him out as a PNP chief because of his efforts to clean the police ranks,” dagdag pa ni So.
Tiwala si So kay Purisima dahil sa pagiging epektibong police officer nito noon sa Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) mula 2002-2003.
“He helped so many kidnap victims, including my own family,” sabi ni So.
“Gen. Purisima’s record must be good then that when he was to be relieved as provincial director, five of the six congressmen and 43 mayors from Pangasinan signed the letter of appeal to then Police Director General Oscar Calderon for Purisima’s stay in the province, citing his accomplishments in resolving big time criminalities,” paliwanag pa ng SIA president.
Bukod sa pagtulong sa mga kidnap victims ay naging epektibon rin si Purisima sa paghuli sa mga drug ring, illegal firearms at gambling operations sa Pangasinan.
“The accomplishments included the simultaneous drug buy-busts, illegal firearms and illegal gambling operations in Urdaneta City, and the arrest of a suspected leader of a kidnap-for-ransom syndicate in Bolinao,” giit pa ni So.
Maging si Pangulong Aquino ay nagpahayag ng tiwala kay Purisima na kilala niya mula pa noong 1987 na hindi matakaw at maluho.
- Latest