^

Bansa

2 batalyong sundalo bantay kay Pope Francis

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang batalyon ng sundalo ang ipapakalat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para masiguro ang kaligtasan ng pagdalaw sa bansa ni Pope Francis sa Enero ng susunod na taon.

Inatasan ni AFP chief Gen. Gregorio Pio Cata­pang ang 7th at 8th Philippine Contingent sa Golan Heights na bumuo ng security team para sa Santo Papa.

Ang dalawang units ay bahagi ng Peacekee­ping Operations Center ng AFP.

Sa kasalukuyan, sinuspinde ng Pilipinas ang pagpapadala ng peacekeeping operations sa Golan Heights, Syria.

Ang mga nakabalik na peacekeepers kamakailan mula sa da­ting misyon sa Golan Heights, gayundin ang unit na nakatakdang pumalit sa kanila ay nasa standby status.

Ayon kay AFP spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, ikinomit ng AFP ang dalawang batalyon para sumuporta sa Philippine National Police sa pagbabantay ng seguridad ng Santo Papa.

Ang nasabing mga unit ay ilalagay sa ilalim ng operational control ng PNP na siyang in-charge sa pangkalahatang security para sa apat na araw na pagbisita ng Papa sa bansa.

“We believe that their exposure and expe­rience in peacekeeping operations in Syria will be beneficial towards the successful security of Pope Francis’s papal visit to the Philippines,” ayon pa kay Zagala.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

GOLAN HEIGHTS

GREGORIO PIO CATA

OPERATIONS CENTER

PHILIPPINE CONTINGENT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POPE FRANCIS

RAMON ZAGALA

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with