^

Bansa

Tahong mula Pangasinan, Masbate bawal kainin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghango, pagbebenta at pagkain ng shellfish meat tulad ng tahong, talaba at halaan na mula sa baybayin ng Alaminos, Panga­sinan.

Ayon kay BFAR Chief Asis Perez, mataas ang lason ng red tide sa naturang baybayin at maaaring magkasakit tulad ng pagkakaroon ng diarrhea, pagsakit ng ulo, lagnat, pagsusuka ang mga taong makakain ng shellfish meat mula sa nabanggit na lugar.

Kaugnay nito, hiniling ng BFAR sa lokal na pa­mahalaan ng Alaminos na huwag payagan na maibenta sa mga palengke ang shellfish mula sa naturang baybayin.

Bawal ding kainin ang shellfish meat mula sa baybayin ng Milagros, Masbate dahil sa positibo pa rin ito sa red tide.

Ang mahuhuli namang isda, hipon, pusit at alimasag ay maaaring kainin basta’t alisin ang hasang at lini­sing mabuti bago lutuin. (Angie dela Cruz)

ALAMINOS

ANGIE

AYON

BAWAL

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CHIEF ASIS PEREZ

CRUZ

IPINAGBABAWAL

KAUGNAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with