Pinsala ni ‘Mario’ P2-B na
MANILA, Philippines - Umaabot na sa P2 bilyon ang iniwang pinsala ng bagyong Mario habang tumaas na rin sa 18 ang death toll.
Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Executive Director Alexander Pama, pinakamataas sa naitalang pinsala ay sa agrikultura na nasa P1.45 bilyon na ang pinakamarami ay mga pananim na nasa P1.09 bilyon.
Nasa P 298.7 M naman ang pinsala sa mga pangunahing highway at tulay habang sa mga lokal na tulay at kalsada ay nasa P107.2 M.
Ang imprastraktura ay nagtamo ng P585.21M pinsala; P104.26 M sa iskul, hospital at P75 M sa istraktura sa flood control program.
Tumaas naman sa 18 katao ang death toll, apat ang nawawala at 16 ang sugatan.
Samantala naitala sa 419,939 pamilya o 1,907,617 katao ang naapektuhan sa 1,703 barangays.
- Latest