^

Bansa

Death penalty bubuhayin sa Kamara

Butch Quejada/Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maghahain ng kanyang sariling death pe­nalty bill sa Kamara si Iloilo­ Rep. Jerry Trenas dahil sa umano’y tumataas na krimen sa bansa.

Sinabi ni Trenas na panahon na para muling bisitahin ang Revised Penal Code at ibalik ang parusang bitay sa gitna ng pagdami ng mga karumal-dumal na krimen.

Giit ng kongresista, wala ng takot ang mga kriminal sa mga umi­iral na batas kaya ang publiko ay natatakot na at hindi ligtas kahit pa sa loob ng kanilang tahanan.

Bukod dito, kaila­ngang i re-qualify muna ang mga krimen na itutu­ring na heinous o karimarimarim at dapat tapatan ng capital punishment.

Maaari umanong mahanay dito ang krimen ng rape with murder, multiple murder, drug traf­ficking at drug smuggling.

Dahil dito iminumungkahi ni Trenas na magtatag na ng multi-sectoral commission na magre- review sa isyu ng death penalty.

 

BUKOD

DAHIL

GIIT

ILOILO

JERRY TRENAS

KAMARA

MAAARI

REVISED PENAL CODE

TRENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with