Seguridad ni Pope Francis tiniyak ni PNoy
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Pangulong Aquino ang seguridad ni Pope Francis sa pagbisita nito sa Enero 2015 sa kabila ng banta ng mga rebeldeng kaalyado ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Sabi ng Pangulo sa media delegation na kasama nito sa US trip, dodoblehin ng Presidential Security Group (PSG) ang pagbabantay kay Pope Francis sa pagbisita nito sa Tacloban City at iba pang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Ayon kay PNoy, hindi muna niya ibubunyag sa publiko ang mga detalye nang inihahandang seguridad para hindi malagay sa panganib ang buhay ng Santo Papa.
Giniit ng Pangulo na dapat walang anumang mangyari sa líder ng simbahan habang siya ay namamalagi sa Pilipinas.
“We are not going into details. Kung ano ‘yung ina-afford sa akin ng PSG na effort, I want to see them double the effort, especially for the head of the Holy Mother Church,” pagtiyak ng Pangulo.
Nauna rito, napaulat na ilang Filipino-Muslim ang nagsasanay na maging miyembro ng ISIS na umano’y maaaring maghasik ng karahasan sakaling bumalik sa bansa.
- Latest