^

Bansa

Lunar eclipse sa Oktubre may epekto sa Mayon - Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May malaking epek­to sa pag-aaalburoto ng bulkang Mayon sa Bicol ang magaganap na lunar eclipse sa Oktubre 8 ng taong ito.

Sa record ng Phi­vo­lcs, nangyari din ang lunar eclipse noong Enero 24, 1814, isang linggo bago maganap ang matinding pagsabog ng Mayon na ikinamatay ng libong residente doon at nagbura sa ilang lugar ng Albay tulad ng tinaguriang Cagsawa ruins.

Sinabi ni Ed Laguerta, Phivolcs volcanologist na dahil sa inaasahang eclipse, magiging kritikal sa mga residente doon ang Oktubre 15, isang linggo matapos ang lunar eclipse, may isang buwan mula nang itaas ng Phivolcs sa level 3 ang bulkan noong Setyembre 15 ng taong ito.

Gayunman, nilinaw naman ni Laguerta na ang kundisyon ng magma pa rin sa loob ng bulkan ang pangunahing magi­ging dahilan ng pagsabog nito at ang eclipse ay makakadagdag lamang sa posibilidad nang malalang pagsabog.

Malaki ang paniwala ng Phivolcs na aabutin sa 500,000 cubic meter o nasa 150,000 truck loads na mga bato at lava fragments ang maaaring ibagsak ng bulkan oras na sumabog ito.

Ayon pa rito, kahalintulad ng aktibidad ng bulkan ngayon ang naganap noong 1984 at 2001 eruption na kinakitaan ito ng mababang steaming, volcanic earthquake, rockfall event at nailuluwang asupre makaraang magpakita ang bulkan ng pag-aalburoto.

ALBAY

AYON

BICOL

CAGSAWA

ED LAGUERTA

MAYON

OKTUBRE

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with