157 PH peacekeepers tumulak na sa Haiti
MANILA, Philippines - Tumulak na kahapon ang 157 All Navy contingent patungong Haiti upang magsagawa ng peacekeeping mission sa nasabing bansa.
Pinangunahan nina AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., at Navy Chief Vice Admiral Jesus Millan ang send-off ceremony sa Villamor Air Base para sa 18th AFP contingent ng United Peace Keeping Force to Haiti.
“Alam n’yo kasi ang Filipino ayaw n’ya yung mapapahiya yung bansa nya eh, it’s always our national pride, its a source of national pride yung pagiging sundalo, lalo na kung naka-deploy ka sa abroad, you have to maintain standards and then yung image,” pahayag ni Catapang.
Ang 157 AFP contingent sa Haiti ay pinamunuan ni Commodore Aldrin Doctor na binubuo ng 11 opisyal at 146 Enlisted Personnel kabilang ang 33 Philippine Marine Corps na nasa ilalim ng command ng Philippine Navy. Siyam sa PH contingent ay mga babae.
Ang send-off ceremony ay isinagawa matapos namang bumalik sa bansa ang 300 PH peacekeepers noong Biyernes at Linggo mula sa Golan Heights dahil sa standoff sa nasabing bansa sa pagitan ng Pinoy troops at ng Syrian rebels noong huling bahagi ng Agosto 2014.
Nabatid na ang 18th AFP contingent ay magsisilbi mula 6 hanggang 9 buwan sa Haiti kung saan papalitan ang 17th Philippine Contingent na binubuo ng 11 officers at 145 Enlisted Personnel (EPs) matapos na magsilbi ng 11 buwan sa pamumuno ni Captain Luzviminda Camacho, unang babaeng contingent commander.
“This contingent will fill-up the Philippines’ annual contribution of troops to the UN Stabilization Mission in Haiti (MINUSTAH), which was the area of concern of the Philippine Navy since the 1stgroup of PN peacekeepers was deployed,” pahayag pa ng opisyal.
- Latest