^

Bansa

Kapag pumasa ang Bangsamoro Law Cordillera hihingi na rin ng awtonomiya

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaaring sumunod ang mga indigenous o katutubong grupo sa Cordillera Administrative Region at iba pang rehiyon sa Pilipinas sa paghingi ng ganap na awtonomiya kapag  napagtibay ang panukalang Bangsamoro Basic Law ng administrasyong Aquino.

Ito ang babala kahapon ni 1st District Isabela Rep. Rodolfo “Rodito” Albano III kaya hinihiling niya sa mga kapwa niya mambabatas na maingat na pag-aralan at repasuhin ang bawat probisyon ng panukalang BBL.

Si Albano ay miyembro ng House Minority Bloc at lantarang tagasuporta ng pangmatagalang pagsisikap ng pamahalaan na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Gayunman, isiniwalat ni Albano na ang mga lider ng mga tribong minorya at civil society group sa Cordillera ay seryosong tinututukan kung paano haharapin at pagtitibayin ng Kongreso ang BBL.

“Nakatanggap ako ng mga report na seryosong pinag-aaralan ng Cordillera Administrative Region ang legalidad ng paghingi ng ganap na awtonomiya mula sa sentrong gobyerno kapag pumasa ang BBL,” sabi pa ni Albano. “Hindi kami magtataka kung hihingi na rin ng ganap na awtonomiyang tulad ng tatamasahin ng mga Muslim sa Minda­nao ang mga katutubong grupo na marami nang siglong namuhay sa Cordillera kapag napagtibay ang BBL bilang ganap na batas.”

Kasabay ng babalang ito, nanawagan si Albano sa lahat ng mga mambabatas na busisiing mabuti ang bawat laman ng burador ng BBL para matukoy ang ligalidad nito at kung alinsunod sa Konstitusyon dahil magiging makasaysayang batas ito kapag napagtibay.

Bumubuo sa CAR ang mga lalawigan ng  Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province; at ng regional center – ang Baguio. Saklaw nito ang karamihan ng lugar sa loob ng kabundukan ng Cordillera Central sa Luzon.

Idiniin ni Albano na maraming ligal na kuwestiyon ang naipukol laban sa panukalang  BBL na kapag napagtibay bilang ganap na batas ay magbibigay-daan sa pagtatag ng Bangsamoro autonomous region na papalit sa ARMM (Autonomous Region for Muslim Min­danao) na ayon kay Pa­ngulong Aquino ay isang bigong eksperimento.

ALBANO

AQUINO

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO BASIC LAW

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

CORDILLERA CENTRAL

DISTRICT ISABELA REP

HOUSE MINORITY BLOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with