^

Bansa

Binay nangampanya lang - Bondal

Lordeth Bonilla/Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabigo umano si Vice President Jejomar Binay na sagutin ang mga akusasyon dito kaugnay ng kontrobersiyal na Ma­kati Parking Building at mistulang nangampanya lamang ito sa kanyang talumpati kahapon.

“Wala naman hong sinagot kundi nag-aksaya lang sila ng panahon ng pangangampanya... Akala ko ho 2016 na,” sabi ni Atty. Renato Bondal, nagsampa ng kasong plunder laban sa bise presidente.

Sabi naman ni dating Makati Bids and Awards Committee Vice Chairperson Engr. Mario Hechanova, “10 minuto dun sa sinabi niya, maliwanag na nangangampanya po siya.”

Tiwala naman ang mga nag-aakusa kay Binay na sa lalung mada­ling panahon ay masasampahan na ito ng kaso dahil matitibay ang hawak nilang ebidensiya laban sa bise presidente.

Panawagan ng grupo ni Bondal kay Binay, na humarap ito sa imbes­tigasyon ng Senado para doon ipaliwanag ang kinakaharap umano nitong katiwalian.

Samantala, nakakatanggap umano ng banta ang misis ni Bondal mula sa hindi kilalang caller, na ipapa-kidnap at ipa-pa-rape umano ito.

Dahilan upang ang naturang text message ay ireport ni Bondal sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) para maging basehan ng naturang ahensiya sa seguridad nito.

Sinabi ni Bondal, para na rin aniya sa seguridad ng kanyang pamilya, itinago muna niya ito sa ligtas na lugar.

 

vuukle comment

BINAY

BONDAL

DAHILAN

MAKATI BIDS AND AWARDS COMMITTEE VICE CHAIRPERSON ENGR

MARIO HECHANOVA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PARKING BUILDING

RENATO BONDAL

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with