Suplay ng bawang sapat
MANILA, Philippines – Tiniyak ng isang organisasyon ng mga magsasaka na mayroong silang sapat na supply ng bawang at isinisi sa mga bigtime smugglers at illegal na negosyante ang pagtatago ng mga bawang.
Sa liham na tinanggap ni Butil partylist Rep. Agapito Guanlao, chairman ng House Committee on food security mula sa National Garlic Action Team (NGAT), pinabulaanan nito na sangkot sila sa smuggling at hoarding tulad ng sinasabi ng kanilang counterparts.
Ang liham ay nilagdaan ng mga lider ng NGAT farming cooperative ng Onion Garlic Farmers ng Ilocos Norte, Magtatumana ng Sta. Rosa, Ilocos Multi-purpose cooperative, Kooperatiba ng Bayang Sagana, Mindoro Allium Growers, Katipunan ng mga Samahang Magsisibuyas ng Nueva Ecija, National Onion Growers Cooperative Marketing Association at Union of Growers and Traders of Onion at DA, Bureau of Customs Department of Interior and Local Government.
Paliwanag pa ng grupo, hindi sila sangkot sa smuggling ng bawang dahil small time importers lang sila at kinukuha nila ang supply nito bilang consignment basis at kailangan nila agad itong idispose upang muling makakuha ng capital sa loob ng 30-days matapos itong dumating sa kanila.
Bukod dito pinabulaanan din nila ang ulat na mayroong shortage at pagtaas ng presyo ng bawang na umaabot sa P400 kada kilo dahil binibenta nila ang mga naaning tinanim direkta sa retailers nf P100,P130 P150, P180 at P200 kada kilo dependa pa sa laki.
Dahil dito kaya mayroong espekulasyon na ang pagtaas ng presyo ng bawang ay gawa lamang ng mga tiwaling negosyante at price manipulators sa pamamagitan ng pagsasamantala sa pangangailangan ng mga consumers para sa mga imported na bawang.
- Latest