Lintang Bedol pinakakasuhan ng Ombudsman
MANILA, Philippines – Pinakakasuhan ng kriminal ng tanggapan ng Ombudsman si Lintang Bedol, dating provincial election supervisor ng Commission on Elections-Cotabato, Maguindanao dahil sa hindi pagpa-file ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Sa anim na pahinang resolusyon, inaprubahan ng Office of the Deputy Ombudsman for Mindanao ang pagsasampa ng kaso kay Bedol bunga ng paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).
Sa pagbusisi ng Ombudsman, si Bedol ay hindi nag-file ng kanyang SALN ng limang taon mula 2002.
Hindi naman pinanigan ng Ombudsman ang paliwanag ni Bedol na kaya hindi siya nag-file ng SALNs dahil ang lahat ng kanyang election documents at personal files kabilang na noong 2005 at 2006 ay nananakaw noong ang kanyang opisina ay nasa Capitol Sharif Aguak, Maguindanao na naransak nong May 2007.
Sinabi rin ni Bedol na hindi naman nai-file ang kanyang SALN noong 2007, 2008 at 2009 dahil nagtago umano siya noon dahil sa banta sa kanyang buhay dahil sa mga anomalya ng eleksiyon noong 2007. Si Bedol ay sinasabing hindi na isang public official noong 2007 at lumitaw na lamang taong 2011.
Binigyang diin naman ng Ombudsman na sa ilalim ng Section 8 ng R.A. No. 6713 ay may responsibilidad ang lahat ng public officials at mga empleado na magsubmit ng kanilang assets, liabilities, net worth at financial at business interests kasama na ng kanilang asawa at mga anak na wala pang asawa.
- Latest