^

Bansa

CA pabor sa pag-abswelto kay Aquino sa Dacer-Corbito

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumang-ayon ang Court of Appeals (CA) sa na­ging desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 18 na nag-abswelto kay dating Police Sr. Supt. Michael Ray Aquino kaugnay sa Dacer-Corbito double murder bunga ng kakulangan ng ebidensya.

May kinalaman ang kaso sa pagpatay sa PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at sa kanyang driver na si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

Batay sa 49-pahinang desisyon ng CA 9th Division na pinonente ni Associate Justice Stephen Cruz, ibina­sura ang petition for certiorari na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG  na kumukwestiyon sa desisyon ng Manila RTC na inisyu noong Disyembre 17, 2012.

Sa naunang desisyon ng Manila RTC, tinukoy nito na nabigo ang prosekusyon na patunayan ang “guilt” ni Aquino.

Sa naging hatol naman ng CA,  tinukoy nito na nabigo ang prosekusyon na baligtarin ang presumption of innocence ni Aquino dahil sa kabiguan nitong magharap ng sapat na ebidensya na magpapatunay na guilty ang akusado.

Para sa CA, hindi sapat ang testimonya ng state witness na si Police Officer Glenn Dumlao para iugnay kay Aquino ang pagpaplano ng pagpatay kina Dacer at Corbito.

AQUINO

ASSOCIATE JUSTICE STEPHEN CRUZ

COURT OF APPEALS

DACER

EMMANUEL CORBITO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MICHAEL RAY AQUINO

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

POLICE OFFICER GLENN DUMLAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with