20 OFWs na-trap sa giyera, uuwi na
MANILA, Philippines – May 20 Pinoy na naipit sa karahasan ang nakatakdang dumating sa bansa mula Syria.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang 20 Pinoy na tinanggap ang mandatory repatriation program (MRP) ng pamahalaan ay inaasahang darating sa NAIA sa Huwebes, Setyembre 18 dakong alas-4:35 ng hapon lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 mula Dubai, United Arab Emirates.
Sa pagdating ng huling nabanggit na batch, umaabot na sa 5,473 Pinoy ang naililikas at napapauwi ng pamahalaan sa magulong Syria.
Sinabi ng DFA na bibiyahe (by land) ang 20 OFWs mula Damascus patungong Beirut sa Setyembre 17 at aasistihan ng mga personnel ng Embahada sa Beirut sa kanilang paglalakbay sa Lebanese Masna’a border.
Nauna rito, sumailalim ang mga Pinoy repatriates sa departure briefing and medical check-up bago sila bumiyahe pauwi sa Manila. Ang kanilang plane tickets ay ginastusan ng International Organization for Migration (IOM) sa Damascus.
May 20 pang OFWs ang nakuhanan na ng exit visas at pinoproseso na ng Phl Embassy sa Damascus ang kanilang repatriation.
Patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mandatory evacuation sa ilalim ng alert level 4 sa mga nalalabi pang Pinoy sa Syria.
- Latest