1 pang LPA binabantayan
MANILA, Philippines – Isa na namang namumuong sama ng panahon na nasa labas ng Philippine Area of Reponsibility ang binabantayan ng PAGASA na maaring magdulot ng pag-ulan sa buong Mindanao.
Ayon kay Manny Mendoza, weather forecaster, alas-4 ng madaling araw nang mamataan ang low pressure area sa may 1,300 kilometers sa silangang bahagi ng Mindanao.
Nasa labas pa anya ito ng PAR, pero malaki ang tsansang mabuo bilang bagyo. Sa sandaling ma-develop bilang bagyo sa labas ng PAR ay tatawagin itong “Luis.”
Inaasahan ng kagawaran na dalawa hanggang tatlong bagyo ang bibisita sa ating bansa ngayong Setyembre.
Nauna rito, ang dalawang LPA na namataan sa PAR nitong mga nakalipas na araw ay umalis na sa bansa nitong Sabado ng gabi.
- Latest