Reporting requirement binira ng ACT solon
MANILA, Philippines – Binatikos ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang panghihimasok ng Malakanyang sa fiscal independence ng mga kapantay nitong sangay tulad ng Kongreso, Hudikatura at maging mga constitutional bodies tulad ng Commission on Elections.
Sa briefing para sa panukalang 2015 budget, idiniin ni Tinio na obligado ang Comelec na i-report sa Office of the President kung paano ginamit ng komisyon ang P144 milyong budget nito para sa mga nakabakanteng posisyon. Ganito rin anya sa kaso ng ibang co-equal branches ng Ehekutibo tulad ng korte at Kongreso, Commission on Audit at iba pang constitutional bodies.
“Inoobligahan ng Presidente ang mga ahensiyang ito na pawang fiscally independent na i-report sa kanya kung paano nila ginasta ang pondong ito,” sabi pa ni Tinio. “Pero kanino naman nagrereport ang Presidente kung paano ginasta ng kanyang departamento ang sarili nitong pondo? Ang panukala niyang badyet ay walang kahalintulad na reporting requirement para sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund, isang P118 billion lump sum na nasa ilalim ng kontrol ng Department of Budget and Management.”
Ang MPFB na isang pondo na gastusin ng sangay ng ehekutibo ay nauukol sa mga posisyon sa lahat ng sangay ng ehekutibo na bakante.
“Nilalagpasan na naman ng Presidente ang mga hangganang tinatakda ng Konstitusyon, sa kaso ngayon ay ang fiscal independence ng co-equal branches at constitutional bodies. Fiscal dictatorship na naman ito at pagbabawas ng Presidente sa poder ng ibang independyenteng ahensya, gaya ng ginawa niyang paglalaro sa pambansang badyet sa pamamagitan ng DAP.
- Latest