^

Bansa

Pinoy peacekeepers tinawag na duwag, AFP umalma sa UNDOF commander

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi napigilan ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang Jr. na magkomento laban sa pang-iinsulto  ni United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF)  Commander Lt. Gen. Iqbal Singh Singha na mga duwag umano ang 75 Pinoy peacekeepers na nasangkot sa standoff sa Golan Heights.  

Ayon kay Catapang, ayaw na sana niyang patulan pa ang isyu pero ibang usapan na umano kapag tinawag mong duwag ang mga Pinoy peacekeepers na sa katunayan ay ipinakita ang katapangan sa buong mundo.

“Pag tinawag kang duwag, ibang usapan na yan, it’s not cowardice to hold the ground for seven hours and fight the Syrian rebels,” ani Catapang na iginiit pang sa kabila ng utos ni Singha sa Pinoy troops na magwagayway ng bandilang puti bilang tanda ng pagsuko sa kalaban at isurender ang kanilang mga armas ay hindi ito sinunod ng Phl peacekeepers.

Ang pagtangging sumuko ng Pinoy peacekeepers ay nagresulta sa 2 araw na standoff noong Agosto 28 at 29, nagkaputukan ng sumunod na Sabado hanggang sa maisagawa ang ‘greatest escape’ noong madaling araw  dakong ala-1:45 nitong nagdaang Linggo.

Una nang kinampihan si Singha at itinanggi ni UN Undersecretary of Peacekeeping Operations Herve Ladsous na may utos ang heneral na Indian sa Pinoy peacekeepers na sumuko at sa halip ay huwag lamang umanong magpaputok ng kanilang mga baril.

Sa halip, sinabi ni Catapang na ang utos ni Singha na magsurender ng baril at magwagayway ng bandilang puti ang tunay na karuwagan.

CATAPANG

CHIEF OF STAFF GEN

COMMANDER LT

GOLAN HEIGHTS

GREGORIO CATAPANG JR.

IQBAL SINGH SINGHA

PINOY

SINGHA

UNDERSECRETARY OF PEACEKEEPING OPERATIONS HERVE LADSOUS

UNITED NATIONS DISENGAGEMENT OBSERVER FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with