^

Bansa

Pinay nurse nagnegatibo sa MERS-CoV

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Idineklara ngayon ng Department of Health (DoH) na negatibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona virus (MERS-CoV) ang Pinay nurse na galing Saudi na unang naiulat na positibo at na-confine sa Davao City.

Inihayag ito ni DoH spokesman Dr. Lyndon Lee-Suy matapos na matanggap nila ang resulta ng confirmatory test mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang.

Ilang araw na ring naka-confine sa isolation room sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City ang nurse, kasama ang kanyang malapit na kaanak.

Dahil sa naturang development, itinigil na rin ng DoH ang contact tracing sa halos 400 mga pasahero ng dalawang eroplano na nakasama ng nurse dahil sa negatibong resulta.

Pinayagan na ring palabasin sa ospital ang nabanggit na nurse.

Una rito, nanawagan pa ang DoH sa mga nakasalamuha na mga pasahero sa Saudia Airlines flight SV870 na umaabot sa 249 at sa Cebu Pacific flight SJ997 na may 143 passengers na magpa-test upang matiyak ang kanilang kalagayan.

Ipinagmalaki naman ng DoH na hanggang ngayon ay maituturing na MERS-CoV free pa rin ang Pilipinas.

ALABANG

CEBU PACIFIC

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. LYNDON LEE-SUY

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME-CORONA

RESEARCH INSTITUTE

SAUDIA AIRLINES

SOUTHERN PHILIPPINES MEDICAL CENTER

TROPICAL MEDICINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with