^

Bansa

‘DAP projects linawin’ - SB

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat linawin ng mga benepisyaryo ng kontro­bersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) ang tamang pagpapatupad ng mga proyekto.

Ito ang tinuran kahapon ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na nagsabi pa na “Walang mali sa DAP, PDAF (Priority Development Assistance Fund) o kahit ang iba pang mga pondo ng pamahalaan kung nagagamit nang tama para sa isang lehitimong proyekto at hindi ibinubulsa.”

“Nakakatiyak ako na merong magagandang proyekto si Senate President Franklin Drilon  at malamang hindi pa niya nababalitaan ang hinggil sa DAP nang panahong iyon,” sabi pa ni Speaker Belmonte.

Kasabay nito, hinamon ng mga mambabatas si Budget Secretary Florencio Abad Jr. na tupdin ang ‘tuwid na daan’ slogan ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng kag­yat na paglalantad sa kanilang mga kaalyado na nakinabang sa P10.08 bilyong DAP.

Hinamon din nina Abakada party-list Rep. Jonathan de la Cruz, Pa­rañaque City Rep. Gus Tambunting at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate si Drilon na linawin ang naglabasang mga report na tumanggap umano ito ng P1 bilyon mula sa pondo ng DAP.

Binatikos ni Dela Cruz ang patuloy na kabiguan ni Abad na i-‘account’ ang pondo ng DAP na ang ilang probisyon ay idineklara ng Supreme Court na labag sa Kons­titusyon.

“Hanggang ngayon, wala pang report ang DBM at ang CoA (Commission on Audit) na siyang mga ahensiyang sangkot sa pagpapatupad nito. Nakakalungkot ang bahaging accountability dito. Hindi ito dapat palagpasin na parang walang nangyari.  Bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan dito, hindi mani,” diin ni Dela Cruz.

Nauna rito, bagaman hindi niya binabanggit ang pangalan ni Drilon, hiniling ni United Nationalist Alliance (UNA) secretary general Toby Tiangco kay Abad na beripikahin ang impormasyon na isang senador ang nakatanggap umano ng P1 bilyong piso mula sa DAP.

Ayon naman kay Tambunting, kung hindi sasagutin ni Drilon ang akusasyon ay nangangahulugan lang na tila nag-aabogado ito kay Abad sa  mga pagdinig ng Senado.

Inayunan naman  ni  Quezon City Rep. Bolet Banal ang naunang pahayag ni Belmonte sa pagsasabing “hindi dapat pagdudahan o lagyan ng malisya ang mga proyekto sa Iloilo o sa alin mang bahagi ng bansa sa usa­ping iyan dahil dumaan sila sa tamang accounting at auditing procedures. Na­ging transparent anya ang DBM sa pagbibigay ng funding details sa lahat ng mga proyekto na ipinatupad ng administrasyong Aquino.

ABAD

AQUINO

BAYAN MUNA

BOLET BANAL

BUDGET SECRETARY FLORENCIO ABAD JR.

CARLOS ZARATE

DELA CRUZ

DRILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with