^

Bansa

Senior citizens may 20% discount sa terminal fees

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang mambabatas ang pagbibigay ng 20 porsiyentong diskwento sa terminal fees para sa senior citizens.

Paliwanag ni Bacolod City Rep.Evelio Leonardio, hindi dapat maging masyadong magastos ang pagbisita ng mga senior citi­zens sa mga tourist spots tulad ng Boracay sa Aklan, Chocolate Hills sa Bohol o Mayon Volcano sa Albay.

Aamyendahan ng House Bill 4697 ang Section 4 (a) ng Republic Act No. 7432, o “Expanded Senior Citizens Act of 2010.”

Sa ilalim nito, ang mga senior citizens ay bibigyan ng 20% diskuwento sa booking transportation fare sa mga domestic air transport services at barko subalit hindi kasama ang passenger terminal fees.

Makakatulong sa mga senior citizens ang pagsama sa passenger terminal fees sa listahan ng discounted fees.

Bukod dito, makakatulong din ito sa turismo ng bansa sa pagsusulong ng discounted local travel sa seniors. 

AAMYENDAHAN

AKLAN

ALBAY

BACOLOD CITY REP

CHOCOLATE HILLS

EVELIO LEONARDIO

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

HOUSE BILL

MAYON VOLCANO

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with