Makati bldg. hindi pa ‘clear’ sa COA
MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na hindi pa “clear” ng Commission on Audit at wala pang certification report na magsasabing walang anomalya sa kontrobersiyal na Makati City Park building na sinasabing overpriced.
Ayon kay Cayetano, mismong ang chairman ng COA ang nagsabing hindi pa ‘clear’ ang nasabing building.
“Number one, the chairman mismo of COA ang nagsasabing hindi sila na-clear ng COA…Ang chairman mismo ng COA ang may sabing doon sa Phase 1, 2, 3 meron nang ten floors, bakit pa dinagdagan ng P1 billion,” ani Cayetano.
Nauna rito, sinabi nina Vice President Jejomar Binay at anak nitong si Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay na walang nakitang anomalya ang COA sa pagtatayo ng nasabing gusali.
Tinanong pa ni Cayetano kung bakit sa Makati ay one-fourth lang ang presyo ng private building na kapareho lang nasabing car park building.
“Bakit kapag gobyerno ang nagpatayo, times four. So ibig sabihin, kapag naging Presidente kayo times four ang presyo ng bawat building?,” ani Cayetano.
Ipinahiwatig pa ni Cayetano na hindi marunong magkuwenta si Binay kaya hindi nito nakikitang overpriced ang itinayong building.
“Bakit ikaw Mr. Vice President, marunong ka mag-compute, paano mo sasabihin na hindi overpriced pero lahat ng ibang building sa Makati ay one-fourth the price?,” ani Cayetano.
Inihayag din ni Cayetano na bibigyan nila ng pagkakataon ang Hillmarc Construction Corporation, ang kontratista ng car park building ng Makati sa susunod na pagdinig ng Senado.
“Yung sinasabing ang contractor ay willing pong magpaliwanag, we will give him all opportunities on September 4,” ani Cayetano.
- Latest